Aklan News
BUTAS-BUTAS NA KALSADA, INUMPISAHAN NANG AYUSIN NG DPWH-AKLAN
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2021/01/PicsArt_01-26-01.07.21.jpg)
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2021/01/PicsArt_01-26-01.07.21.jpg)
Kalibo Aklan – Mismong si Aklan District Engr. Alejandro Ventilacion ang nanguna sa pag inspeksyon ng mga butas butas na kalsada galing sa bayan ng Banga patungong Altavas.
Ayon kay Ventilacion nakarating na sa kanyang tanggapan ang ganitong reklamo ngunit hindi ito maumpisahan na ayusin dahil sa pag-ulan.
Aniya hangga’t maganda ang panahon kanilang aayusin ang butas butas na daan sa buong lalawigan.
Mayroong P22 million na alokasyon sa buong taon ang kanilang tanggapan para sa pagsasaayos ng kalsada sa Aklan.
Nauna ng ineklamo ng mga motorista at dumadaang sasakayan ang lugar dahil pwede itong maging sanhi ng aksidente.
Continue Reading