Connect with us

Aklan News

3 PANG TURISTA NAHULIHAN NA NAMAN NG PEKENG RT-PCR TEST SA BORACAY

Published

on

Photo| Diadem Paderes/Radyo Todo Aklan

Tatlo pang indibidwal ang nahulihan na naman ng pekeng RT-PCR test para makapasok sa Boracay.

Batay kay PSSgt. Teddy Dalisay ng Malay PNP, kinumpirma mismo ng St. Luke’s Medical Center na walang record na nagpa RT-PCR sa kanila ang tatlong turista na sina Paul Jorge Ponce, 29 anyos; Jumil Bacalso, 30 anyos; at Mohammad Merayan Kahalid, 30 anyos, lahat mga taga Commonwealth, Quezon City.

Tumawag si Caticlan Jetty Port Administrator at Provincial Administrator Atty. Shelwyn Ibarreta sa Malay PNP para ipaalam na may tatlong turistang gumagamit ng pekeng RT-PCR na nakapasok sa Boracay.

Base sa imbestigasyon, dumating ang mga ito sa isla noong January 24, 2020 at nakapag book sa isang hotel. Nakatakda sana silang mag check out ngayong araw, January 28, 2020.

Ayon sa mga turista, sumailalim sila sa RT-PCR test sa nasabing medical center sa pamamagitan ng drive thru.

Dahil dito, agad silang dinampot sa hotel kahapon at dinala sa Aklan Training Center para ma isolate.

Posibleng maharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 11332 o mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at Falsification of documents.