Connect with us

Health

Paghinga at pagtibok ng puso, kaya nang sukatin ng camera ng Google Phone sa tulong ng AI

Published

on

Google Fit App
Larawan mula sa androidpolice.com

Masusukat na ng mga camera ng Google Pixel smartphones ang heart at breathing rate ng gumagamit nito simula sa susunod na buwan.  Ito ay sa tulong ng isa sa mga unang applications ng artificial intelligence (AI) technology ng Alphabet Inc.

May mga health program apps na dati nang inilabas ang Google Play Store at Apple App Store na may kahalintulad na functions sa bagong labas na app subalit ayon sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2017, hindi stable ang accuracy nito at mababa umano ang bilang ng downloads.

Inihayag ng Google Health na pinaigting na nila ang AI na nagsusukat ng mga heart at breathing rates.  Maglalabas umano sila ng isang academic paper kung saan nakalatad ang detalye ng method at clinical trials nito.

Nakatakdang ilabas ang mga features nito sa mga Android smartphones ngunit hindi pa sinasabi kung kalian.  Wala naman pang tiyak na plano para sa mga iPhone.

Upang makuha umano ng smartphone camera ang pulso ng tao, kailangan lamang na ilagay ang daliri sa tapat ng lens upang mabasa ng AI ang bilang ng blood flow, na matutukoy naman dahil sa bahagyang pagpalit ng kulay ng daliri.  Samantala, mabibilang naman ang paghinga ng tao sa pamamagitan ng pagtaas at pagbaba ng balikat.

Ayon sa Google Health product manager na si  Jack Po, nais bigyan ng kumpanya ang mga smart phone owners ng alternatibong paraan upang ma-monitor ang kanilang mga kalagayang pangkalusugan subalit hindi kayang bumili ng mga wearable na mga gadgets tulad ng Apple Watch at Google Fitbit.

Dagdag pa ni Po, kailangan pa ng dagdag na mga tests upang magamit ang kanilang technology sa medical settings.

Ang bagong feature na ito ay ma-a-avail bilang update sa Google Fit app.

Continue Reading