Connect with us

National News

Hindi awtorisadong paggamit ng PNP uniform, may kaukulang parusa – Sinas

Published

on

Larawan mula sa commons.wikimedia.org

Muling ipinaalala ni Philippine National Police Chief, Police General Debold M Sinas na iwasan ang hindi awtorisadong pagsusuot ng uniporme ng pulis at militar dahil ito ay labag sa batas at may kaukulang parusa.

Kamakailan lamang ay sinampahan ng CIDG ng kasong usurpation of authority ang isang 41 taong gulang na babae nang pumasok ito sa loob ng Camp Crame na nakasuot ng PNP athletic uniform.

Kinilala ang babaeng si Marilyn De Paz Rojero, biyuda, isang sibilyan at nakatira sa of Sto. Niño, Parañaque City.

Nauna rito ay nasita na si Rojero dahil sa jaywalking. Wala umano itong naipakitang PNP ID kung kaya’t inanyahan ito sa Base Police Office. Dito na napatunayang nagpapanggap lamang na pulis si Rojero. Agad namang inendorso ng Base Police Office sa CIDG-NCR ang kaso.

Nitong nakaraang Huwebes ay tuluyan nang inihain ang inquest proceedings kay Rerlojo kaugnay sa paglabag nito sa Revised Penal Code Article 177 for Usurpation of authority at Article 179 for Illegal Use of Uniforms or Insignia.

Taong 2000 nang pinalabas ang Executive Order No. 297, Series of 2000, kung saan mariing ipinagbabawal ang hindi awtorisadong paggawa, pagbebenta, at paggamit ng uniporme, insignias, at iba pang kahalintulad na bagay na pag-aaring PNP.

Pinagtitibay ng nasabing EO ang Article 179 of the Revised Penal Code (RA 3815) kung saan malinaw na nakasaad na maaaring parusahan ang sinumang “publicly and improperly make use of insignia, uniforms or dress pertaining to an office not held by such person or to a class or persons of which he or she is not a member.”