Connect with us

International News

CAR BOMB ATTACK SA AFGHANISTAN; 10 PATAY, 42 SUGATAN

Published

on

Resolute Support (RS) forces remove a damaged vehicle after a car bomb explosion in Kabul, Afghanistan, Thursday, Sept. 5, 2019. (Rahmat Gul—AP)

Binulabog ng pagsabog ang Kabul, Afghanistan nitong Huwebes na nagresulta sa pagkakasawi ng 10 sibilyan at pagkakasugat ng 42 na iba pa.

Ayon kay Interior Ministry spokesman Nasrat Rahimi, sira-sira rin ang nasa 12 sasakyan matapos ang pagsabog sa diplomatic area malapit sa United States Embassy.

Target umano ng Taliban ang convoy ng mga foreign forces na papasok sa Shashdarak area. Matatagpuan rin sa naturang lugar ang mga opisina ng Afghan national security authorities.

Samantala, kinondena naman ni US Ambassador John Bass ang naganap na pag-atake.

Napag-alaman din na 2 NATO service members, kabilang ang isang Americano, ang kasama sa nasawi.

Magugunitang ito na ang ikalawang serye ng pag-atake kaugnay sa preliminary US-Taliban deal ngayong linggo.

Source: https://radyo.inquirer.net/202432/10-patay-42-sugatan-sa-suicide-bombing-sa-afghanistan