Iloilo News
KORTE SUPREMA, MULING PUMABOR SA MORE POWER ILOILO
Pinaboran ng Korte Suprema ang kompanya ni Enrique Razon hinggil sa hidwaan ng electric company sa lungsod ng Iloilo.
Sa botong 9-6 ng high court en banc, pinapayagan nito ang MORE Electric and Power Corp. (MORE) na kunin ang assets ng Panay Electic Co. (PECO) na pagmamay-ari ng Cacho-Lopez.
Naunang nagdesisyon ang Korte Suprema ukol dito noong nakaraang Septyembre sa botong 8-6, pabor sa MORE power.
Tinutulan ito ng PECO kung saan nagsampa ito ng motion for reconsidetation.
Patuloy namang isinulong ng MORE Power ang pag-expropriate ng distribution assets ng PECO kapalit ng ₱481 million alinsunod sa 25-year congressional franchise para maging power distrubutor sa lungsod ng Iloilo sa ilalim ng Section 10 at 17 ng Republic Act 11212.
Sa ngayon, isang taon nang inooperate ng MORE Power ang distribution ng kuryente sa syudad ng Iloilo matapos iniutos ng korte sa Iloilo ang Writ of Possession.