Connect with us

Aklan News

‘AKO SOBRA AKONG EXCITED’- BABAENG DOKTOR NA UNANG NATURUKAN NG SINOVAC VACCINE SA AKLAN

Published

on

“I’m happy that I have it now.”

Masaya si Provincial Health Officer I Dr. Leslie Ann Luces na natanggap na nito ang unang dose ng Sinovac vaccine sa isinagawang roll out kaninang umaga sa ABL Sports Complex.

Kasama ni Dr. Luces si Infectious Disease Specialist Dra. Joanne Abril sa mga unang naturukan ng bakuna.

Ayon kay Dr. Luces, unang nagpasa ng masterlist sa Department of Health (DOH) Region Office ang Aklan para makapagsimula na ng vaccination roll out sa probinsya.

“COVID-19 has really affected so much, our lives, our economy, everything has turned upside down over the past year,” aniya.

Kaya ngayon na mayroon ng bakuna sinabi niya na hindi dapat mag agam-agam at matakot sa bakuna, “Hopefully, indi kita mag-aeng aeang, indi kita magkuebaan. Because this is really our ticket out from the pandemic.”

“These vaccines, all of the vaccines in fact nga available katon such as Sinovac, Aztrazeneca and Pfizer, lahat ng bakuna na available iya katon nga may FDA, they are safe and effective regardless kung ano man yan, yung percentage of effectivity and etc,” saad pa nito.

Paliwanag pa niya, hindi ibig sabihin na nagpabukana siya ay mamamatay na siya. “As of now itong Sinovac even Astrazeneca, they’re 100% effective against you having the severe form of COVID-19, ibig sabihin hindi ako mamamatay, hindi ako ma-iintubate, hindi ako maa-ICU sa COVID-19 na sakit.”

Kung sakali man aniya na madapuan siya ng COVID-19 ay magkakaroon na lamang siya ng mild symptoms gaya ng sipon at lagnat pero hindi ito magiging malala dahil sa bakuna.

Kaugnay nito, nakatakda na rin umano ang pagpapaturok nila ng second dose ng bakuna sa susunod na buwan, Abril 2021.