Connect with us

National News

INSIDENTE NG PAGKASUNOG NG MGA POSTE SA ILOILO CITY, MALAKI ANG IBINABA — BFP

Published

on

Malaki ang ibinaba ng insidente ng pole fires sa lungsod ng Iloilo, simula sa operasyon ng MORE Power batay sa datus ng Bureau of Fire Protection Iloilo City. 

Ayon kay Acting City Fire Marshall Jesus Valenzuela, bumaba ang insidente ng pole fire, nang simulang tutukan ng MORE Power ang pag-eliminate ng mga illegal connections at paglinis ng mga kalye at barangay sa mga nakalaylay na linya ng kuryente.

“Sang 2019, we have 218 and 2020 nagnubo siya, 151 na lang. so, daku gid ang pagbag-o”, pahayag ni F/Sinsp. Jesus Valenzuela.

Umaabot noon ng 10 hanggang 15 na mga insidente ng pole fires ang nererespondihan ng BFP kada linggo sa lungsod. 

Kadalasang dahilan ng pagkasunog ng mga poste at linya ng kuryente ay ang loose at illegal connections at overloading ng transformers.

Samantala, nang simulan na ng MORE Power na palitan at ayusin ang mga poste at linya ng kuryente sa mga barangay, bumaba na ang mga insidente ng sunog.

“Nami gid nagnubo gid ang responding naton sa post fire naton, kag daku gid ang nabulig sa aton mga pumuluyo kay te mag post fire brown out ang isa ka barangay, te maka hamper sa pangabuhian sang mga tawo eh kag mainiti especially kun march pa gid, so daku gid ang pagbulig,” lahad pa ni Valenzuela.

Batay pa sa BFP, malaki ang naitulong ng programa ng MORE Power na i-Konek para mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng metro at maitama ang mga koneksyon ng mga kabahayan sa lungsod.

Sa pamamagitan ng tamang proseso sa paglagay ng mga linya ng kuryente, mas mapapasiguro din ng BFP na maiiwasan ang anumang insidente sa mga kabahayan ng mga konsumidor.

“Naga conduct kami house to house inspection sa mga balay especially sa mga dangling electrical wirings sa mga spaghetti wires nga naga connect sa mga barangays, so subong na-elevate na kag na-correct na, kag nakita naton nga siguro through sincere sang one of the companies sa service, gusto gid ang pagbag-o kag makabulig sa mga pumuluyo naton. kag daku gid ang pagbag-o sa pagliwat sang mga linyada”, paliwanag pa ni F/SInsp Valenzuela. 

Maliban sa bumaba ang insidente ng mga pole fires, malaking tulong din sa BFP ang pag-ayos ng MORE Power at iba pang mga utilities sa mga nakalaylay na linya ng kuryente at TelCos.

Mabilis na ngayong makapasok ang mga bombero sa oras na may sunog sa mga barangay.

Ngayong Fire Prevention Month, kasama ng BFP ang MORE Power na mapasiguro na maiwasan ang sunog sa mga komunidad.