Connect with us

Tech

NETFILX, TUTUKUYIN NA ANG MGA NAGSI-SHARE NG PASSWORD SA IBA

Published

on

Larawan mula sa revenue-hub.com

Tutukuyin na ng Netflix ang mga gumagamit ng kanilang serbisyo at nagpapagamit ng kanilang Netflix password sa iba.

Nagdisenyo ang video streaming platform ng bagong feature kung saan matutukoy na ang mga naghahati sa paggamit ng iisang account. Dahil dito, kakailanganin nang gumawa at magbayad ng kaniya-kaniyang Netflix account.

“If you don’t live with the owner of this account, you need your own account to keep watching,” ito umano ang bumungad sa ilang Netflix users nitong nakaraang lingo.

Kailangang mapatunayan din umano ng user ang kaniyang identity bago makagamit ng Netfllix, sa pamamagitan ng code na ipapadala sa mismong may-ari ng account.

“This test is designed to help ensure that people using Netflix accounts are authorised to do so,” pahayag ng kumpaniya.

Noong 2016, nagbitaw ang CEO ng Netflix na si Reed Hastings, hindi nila hahabulin ang mga naghahati sa iisang password. Ayon sa kaniya, “Password sharing is something you have to learn to live with, because there’s so much legitimate password sharing, like you sharing with your spouse, with your kids. So there’s no bright line, and we’re doing fine as is.”

Nakasaad naman sa terms of service ng Netflix na “account details should “not be shared with individuals beyond your household.”

Subalit nitong mga sumunod na taon, nakaka-alarma na umano ang pagdami ng gumagamit ng iisang account at nagpapagamit ng password kahit sa hindi kasama sa iisang sambahayan.