Connect with us

Aklan News

UNANG ARAW NA PINAYAGAN ANG SALIVA TEST, NAIREKORD ANG PINAKAMATAAS NA ARRIVAL SA BORACAY

Published

on

Nairekord ang pinakamataas na tourist arrival sa Boracay sa unang araw na pinayagan ng Boracay Inter-Agency Task Force ang saliva RT-PCR test ayon kay Chief Tourism Operations Officer Felix delos Santos.

Sa datos ng Malay Tourism Office, sumipa sa 1056 ang mga arrival na nailista nitong March 19, 2021 mas mataas sa 967 na pinakamataas na nailista noong Marso 13.

Binubuo ito ng 630 turista mula sa NCR, 108 sa Aklan, 61 Cavite, 56 sa Rizal, 34 Batangas, 34 sa Agusan Del Sur, 30 Bulacan, 17 sa Laguna, 17 sa Iloilo City, 12 sa Pampanga, 11 sa Negros Oriental, 8 Cebu, 7 sa Nueva Ecija, 7 sa Misamis Oriental, 5 sa Tarlac, 5 sa Pangasinan, 4 Baguio City, 3 sa Iloilo Province, 1 Cotabato City, 1 Benguet, 1 Bataan, 1 sa Isabela, 1 Camarines Sur, 1 sa Quezon Province at 1 sa Agusan Del Norte.

Samantala, nasa 15, 643 na ang kabuuang bilang ng mga March 2021 visitors.

Nangunguna pa rin aniya ang mga turista mula sa National Capital Region (NCR) na nasa 9,295, 1172 sa Rizal, 1092 Cavite, 672 sa Laguna 594 sa Bulacan.

Bago maaprubahan ang saliva test bilang requirement sa pagpunta sa isla, nag-aaverage lamang sa 700 kada araw ang mga turista na bumibisita dito.

Inaasahan pa ni delos Santos na magdodoble ang bilang ng mga tourist arrival ngayong pwede nang gamitin ang mas murang saliva test.