Iloilo News
KAPITAN, INARESTO NG CIDG DAHIL SA KASONG PAGNANAKAW NG KURYENTE
INARESTO ng Criminal Investigation and Detection Group ang Kapitan ng Brgy. Caingin, Lapaz dahil sa kasong pagnanakaw ng kuryente.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Iloilo Regional Trial Court Judge Victorino Maniba, Jr noong nakaraang Febrero 4, inaresto ng CIDG Iloilo City Field Unit/ Regional Special Operations Team si Kapitan Rene Firmeza sa loob mismo ng Brgy Hall pasado alas 10 kaninang umaga.
Matatandaan na nadiskubre ng MORE Power Iloilo ang illegal connection o jumper ni Kapitan Firmeza noong nakaraang September 7, 2020 kung saan direktang nakakonekta sa secondary line ang kuryente ng bahay nito.
Hindi noon nahuli sa aktong nagkakabit si Kapitan Firmeza kung kaya’t isinampa ng MORE Power ang regular na reklamo sa City Prosecutor noong October 14.
Sa ngayon ay pansamantalang naka detene sa opisina ng CIDG sa Mandurriao ni Kapitan Firmeza.
Samantala, inirekomenda naman ng korte ang 72,000 pesos na pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.