Connect with us

National News

CEBU MAYOR NA BINA-BASH DAHIL NAUNANG NAGPATUROK NG COVID VACCINE, NAGPALIWANAG

Published

on

Larawan mula sa Rappler.com

Isang alkalde sa Cebu ang binabash ngayon sa social media matapos magpaturok kasabay ang mga sector na priority ng gobyerno na pabakunahan laban sa COVID-19.  Paliwanag niya,  isa umano siyang frontliner.

Sa isang pahayag ni Minglanilla Mayor Elanito Peña, sinabi niya na gusto lamang niyang maging magandang halimbawa sa kanyang mga nasasakupan na natatakot magpabakuna. Nagpaalam naman umano siya sa health unit ng kanilang bayan upang makapagpabakuna.

Subalit ayon sa guidelines ng national government, hindi pinapayagan ang mga lokal na opisyales na sumali sa priority sector ng vaccination rollout ng Pilipinas.

Ayon pa sa public information officer ng Minglanilla na si Jay Fernande, tinanggal na nila sa social media ang mga litrato na ipinapakitang binabakunahan si Peña.

Continue Reading