Connect with us

History

TODAY IN HISTORY MARCH 27, 1915: NAHULI SI TYPHOID MARY NA LIMANG TAONG NAGTAGO AT UMIWAS SA QUARANTINE

Published

on

Sa araw na ito, taong 1915, nahuli ang tinaguriang Typhoid Mary na limang taong nagtago at umiwas sa quarantine.

Si Typhoid Mary o Mary Mallon sa totoong buhay, ay ang kauna-unahang natukoy bilang asymptomatic carrier ng typhoid sa Estados Unidos. Dahil walang nakikitang simtomas sa kaniya, at kilala ring magaling magluto, naging madali para sa kay Typhoid Mary ang magpalipat-lipat ng trabaho bilang cook.

Nagawa rin niyang iwasan sa loob ng 5 taon ang mga health authorities, maging ang quarantine. Ang ginawa niyng ito ay nagsanhi ng ilang typhoid outbreaks sa New York.

Noong March 27, 1915, nahuli at ibinalik siya sa pagka-quarantine sa North Brother Island, New York.