Connect with us

National News

MGA SENIOR CITIZENS SA MAYNILA, BINAKUNAHAN NA

Published

on

senior citizens vaccine
Itinuturok ng mga city health workers ang AstraZeneca sa isang senior citizen sa Maynila. Larawan mula sa news.abs-cbn.com

Nagpadala kahapon ng labindalawang high-end na ambulansya ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa iba’t ibang mga barangay upang magsilbing mobile vaccination stations para sa mga senior citizens.

Umabot sa 1,309 senior citizens ang nabakunahan ng AstraZeneca kahapon.

Nagtalaga naman ngayong araw ng mga sumusunod na vaccination stations:

  • DISTRICT I (Barangay 32 at Barangay 128)
  • DISTRICT II (Barangay 154 at Barangay 210)
  • DISTRICT III (Barangay 345 at Barangay 377)
  • DISTRICT IV Barangay 419 at Barangay 576)
  • DISTRICT V Barangay 704 at Barangay 803)
  • DISTRICT VI Barangay 604 at Barangay 627)

Layon ng Manila LGU  na mabakunahan ang 2,380 seniors citizens na nag-pre-register sa manilacovid19vaccine.com

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang mga nagpalista ay ipa-prioritize habang ang mga nag-walk in naman ay babakunahan pa rin hangga’t may natitira pang bakuna.

Nanawagan si Domagoso sa publiko na mag-pre-register na sa manilacovid19vaccine.com upang makapagpareserba na ng kanilang libreng bakuna mula sa city government.

Umapela pa si Yorme na tulungan ang mga may-edad na mag-pre-register sa nasabing website.

Ayon pa sa alkalde, ang Manila Vaccination Plan (MVP) ay magpapatuloy sa kabili ng pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 at sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

“When we have vaccines on hand, we have to vaccinate right away,” ani Domagoso.

Continue Reading