Tech
SATELLITE PHONES AT SERVICES PARA SA MGA LUGAR NA WALANG SIGNAL, MABIBILI NA ONLINE
Wala bang signal ang mga cellphone ninyo? Kung kayo ay nasa malalayong lugar at hirap na makasagap ng signal, mayroon nang ibang paraan upang makipag-communicate sa inyong mga mahal sa buhay.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Smart Communications, mabibili nyo na ang SmartSAT XT Lite satellite phone at ang SmartSAT XT Lite SIM. Ang handset kasama na ang exclusive na sim card at mga top up cards ay pwede nyo na umanong ma-order sa mga e-Commerce sites na Lazada at Shoppee.
“As we all know, communication can mean life and death during emergencies and disasters. We want to make sure our customers can conveniently access our satellite products so that we can help them prepare for unforeseen events,” ani Alice Ramos, ang vice president for International Roaming and Consumer Business ng Smart.
Mas malawak umano ang coverage ng mga satellite phones kaya naman maaari itong magamit kahit sa mga lugar na mahina o walang cellular coverage.
Dagdag pa ng Smart, akmang gamitin ang mga satellite phones sa labas o kahit sa laot. Maaari rin itong gamitin tuwing may sakuna.
Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan ang panukala na layong bigyan ng access ang internet service providers sa mga satellite systems.
Pahayag naman ng Converge ICT, isang provider ng fiber broadband, nakikipag-ugnayan na sila sa kumpanya ni Elon Musk upang makagamit ng low-orbit satellite technology na Starlink na inaasahang magpapabuti sa kalidad ng koneksyon sa Pilipinas.
Base sa tala, bumilis noong Pebrero and internet sa bansa. Nagtala ang Pilipinas ng 26.24 Mbps na internet speed kaya umakyat ito sa ika-83 pwesto sa listahan ng may pinakamabibilis na internet speed sa mundo