Connect with us

Capiz News

Roxas City maghihigpit sa mga lumalabas-pasok sa lungsod kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19

Published

on

Hihigpitan ng Roxas City government ang paglabas -pasok ng mga tao sa lungsod at pagpapatupad ng mga health protocols para maiwasan ang posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa syudad.

Ayon kay Mayor Ronnie Dadivas ang hakbang na ito ay kasunod ng nakababahalang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kabilang sa dagdag na protocol batay sa inilabas na Executive Order No. 10 ng alkalde nitong Abril 5 ay ang pagrequire ng RT-PCR test sa mga inbound travelers mula Masbate, Romblon at iba pang Island provinces.

Nakasaad rin dito ang pagrequire ng registry sa mga residente na nagtatrabaho o palaging bumibiyahe sa ibang probinsiya pati na ang mga nakatira sa ibang probinsiya pero nagtatrabaho sa lungsod ng Roxas.

Ipatutupad rin ang mandatory disinfection bawat linggo sa lahat ng mga establisyemento pati na ang istriktong pagsusuot ng face mask, face shield, at social distancing.

Samantala, as of April 6, ang Roxas City ay nakarekord ng 739 confirmed cases ng COVID-19, 39 dito ang namatay, 676 ang nakarekober na, habang 24 ang aktibong kaso.

Continue Reading