Iloilo News
MGA RETURNING RESIDENTS SA ILOILO CITY, ISASAILALIM SA SWAB TESTING AT 5 DAYS HOME QUARANTINE
Muling tatanggap ng mga returning residents at APOR ang lungsod ng Iloilo matapos tanggalin ang travel moratorium sa Region 6 mula sa NCR plus, Cebu at Davao City.
Batay kay Mayor Jerry Treñas kailangan ang acceptance para sa mga pasahero na babalik sa Iloilo City.
Pagdating sa lungsod, isasailalim ang mga returning residents sa swab testing at 5 araw na home quarantine.
Babantayan din sila ng BHERTZ at kapag magpakita ito ng sintomas ng COVID-19, muli itong isasailalim sa swab testing.
Giit pa ni Treñas, dapat munang iwasan ang close contact sa pamilya.
“Wa-ay anay sang close contact sa ila pamilya or we can provide the quarantine facility for them,” pahayag ng alkalde.
Continue Reading