Capiz News
Kagawad at isa pang investor nagreklamo sa Roxas City PNP kontra kay Don Chiyuto
Nagreklamo sa Roxas City PNP Station ang isang kagawad at isa pang investor matapos hindi na nakuha ang kanilang pay-out o ininvest na pera kay Patroceño “Don” Chiyuto.
Ayon sa reklamo ng isang barangay kagawad ng Brgy. Tanque dito sa lungsod, nag-invest umano ito ng Php1 million sa staff ni Chiyuto na si Alhassan Moustafa Mohammed Elshelkh.
Ayon sa kaniya, binigyan siya ng voucher na may halagang Php2 million noong Enero 16 na pirmado umano ni Chiyuto.
Maliban aniya rito, binigyan rin siya ng voucher na Php2 million ng staff rin ni Chiyuto na si Chona Delos Reyes noong Enero 18.
Nagreklamo rin ang isang 38-anyos na residente ng Brgy. Libas sa lungsod ring ito na nag-invest siya ng Php600,000 noong Enero 15 kapalit ng isang voucher na nagsasaad na dodoble ang kaniyang pera sa loob ng isa hanggang dalawang buwan.
Subalit dismayado ang mga nagrereklamo na hanggang ngayon ay hindi nila nakuha ang sinasabing “pay-out” o kahit ang perang ininvest man lang nila.
Kamakaikalan lang ay naibalitang dinukot umano si Chiyuto at hanggang ngayon ay wala pang impormasyon kung natagpuan na ito.