Capiz News
Bombore ng Panitan Fire Station nagpositibo sa COVID-19
Tigil-operasyon pansamantala ang Panitan Fire Station matapos isa sa kanilang mga bombero ay nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay SFO2 Marlon Garbo, hepe ng Panitan Fire Station, ang 33-anyos na bombero na nagpositibo sa nasabing virus ay naka-isolate ngayon sa Kabalaka Isolation Facility.
Isinailalim narin aniya sa swab test ang kaniyang asawa at hinihintay nalang ang resulta habang naka-home quarantine naman ang mga miyembro ng pamilya nito.
Naka-quarantine naman sa fire station ang tatlong bombero habang ang iba pa ay naka-home quarantine.
Pinaalala ni Garbo na hindi muna sila tumatanggap ng bisita na gustong magproseso ng kanilang mga dokumento gaya ng business permit.
Nilinaw naman ng opisyal na bagaman naka-quarantine ngayon ang mga tauhan nito sa fire station ay handa parin umano ang mga ito na rumesponde kapag may sunog.