Capiz News
Community Pantry sa Capiz mga seedlings ng bungang-kahoy ang ipinamimigay
Kakaiba ang community pantry na ito dito sa Roxas City, Capiz. Sa halip kasi na mga pagkain ay mga seedlings ng mga puno na namumunga ang kanilang ipinamimigay.
Ang community pantry na ito na binansagang Communi-Tree Pantry ay inorganisa ng Capiz Provincial Environment and Natural Resources Office (CaPENRO).
Ang mga seedling ng batwan, rambutan, lipote, kakaw, tsiko, at kalamansi, ay ipinamahagi ng CaPENRO sa mga dumaraan noong Abril 22 sa harap ng Capiz Provincial Capitol.
Layunin umano nito na mahikayat ang mga residente na magtanim ng mga puno sa kanilang bakuran para labanan ang epekto ng climate change at maging kakulangan sa pagkain.
Nabatid na nagdonate ang Rotary Club of Roxas ng 50 marcotted calamansi seedlings bilang bahagi ng Adopt a Tree Community program.
Nagdonate rin ng mga itlog ang mga empleyado ng Sangguniang Panlalawigan at Provincial Budget Office para ipamahagi sa mga dumaraan.