Connect with us

History

TODAY IN HISTORY APRIL 26, 1986: TRAHEDYA SA CHERNOBYL

Published

on

Tatlumpu’t limang taon na ang nakalilipas, nang maganap ang trahedya sa Chernobyl nuclear power station. Ito ang itinuturing na pinakamatinding nuclear power plant accident sa buong mund. Nagaap ito noong April 26, 1986 kung saan tatlumpu’t dalawang tao ang nasawi, at marami rin ang nagtamo ng radiation burns.


Ang Chernobyl ay itinayo nong dekada sitenta at matatagpuan sa bansang Ukraine. Mayroon itong apat na nuclear reactors kung saan ang bawat reactor ay may kakayahang makapag-produce ng 1,000 megawatts na kuryente.

Noong April 25, 1986, isang gabi bago ang trahedya, isang grupo ng mga inhinyero ang nagsagawa ng isang electrical-engineering experiment sa Number 4 reactor, dahil gusto nilang malaman kung ang mga turbine ng reactor ay kayang magpatakbo ng emergency water pump.

Sa kasamaang palad, dahil wala naman silang kasanayan sa reactor physics, ang kanilang eksperimento ay nauwi sa trahedya.