Connect with us

Regional News

WESTERN VISAYAS, NADAGDAGAN NG 315 KASO NG COVID-19; NEGROS OCCIDENTAL NANGUNGUNA SA MAY PINAKAMARAMING KASO NG VIRUS

Published

on

Nadagdagan ng 315 bagong kaso ng COVID-19 ang Western Visayas nitong Huwebes, Abril 29.

Nangunguna ang probinsya ng Negros Occidental na may pinakaraming kaso ng COVID-19 na nasa 136 cases, Bacolod City na 106, 27 sa Capiz, 24 sa Iloilo, 10 sa Iloilo City, 8 sa Antique at 4 naman sa Aklan.

Batay sa tala, 290 ang local cases, 22 ang locally stranded individual (LSI), 2 ang returning overseas Filipino (ROF) at 1 APOR.

397 ang naitala bagong recoveries samantala 3 ang nasawi.

Sa kabuuan na sa 35,153 ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon; 4,324 ang active cases; 29,942 ang recoveries at 881 ang nasawi.

Continue Reading