Connect with us

National News

PEKENG PFIZER COVID-19 VACCINES NAGKALAT NA SA IBA’T IBANG BANSA; DILG, PINAG-IINGAT ANG LAHAT

Published

on

Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) at pinag-iingat ang mga lokal na pamahalaan at ang publiko sa mga kumakalat na Pfizer COVID-19 vaccines sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang inilabas na advisory ni DILG Secretary Eduardo Año ay alinsusnod sa babala ng World Health Organization (WHO) tungkol sa COVID-19 vaccine na gawa umano ng Pfizer-BioNTech na kung tawagin ay “BNT162b2.”

Hinikayat ni Sec. Año ang pamahalaan na siguraduhing ang mga medical products ay sa mga authorized suppliers lamang bibilhin. Pahayag pa ng kalihim, “While there is no information yet on the presence of the fake vaccines in the country, LGUs should exercise increased diligence as these fake vaccines may be dangerous to the health of those who get inoculated.”

Ayon sa advisory ng DILG, “WHO requests increased vigilance within the supply chains of countries and regions likely to be affected by these falsified products. Increased vigilance should include hospitals, clinics, health centers, wholesalers, distributors, pharmacies, and any other suppliers of medical products.”

Kaakibat rin ng advisory na ito ang pag-atas ni Sec. Año sa Philippine National Police na umagapay sa pag-imbestiga at pagkumpiska ng mga pekeng vaccines sakaling makapasok ito sa bansa.

Hinimok din ng kalihim ang mga mamayan na huwag mag-atubiling ipagbigay alam at makipag-ugnayan agad sa National Task Force Vaccine Cluster sa pamamagitan ng [email protected] o sa +639178237310 sakaling may impormasyon silang makakalap o maririnig hinggil sa pagkakaroon o paggamit ng naturang vaccine sa bansa.