Connect with us

National News

‘THE PRESS MUST BE PROTECTED’: PDUTERTE, NANAWAGAN NG PROTEKSYON PARA SA MGA MAMAMAYAHAG

Published

on

‘Proteksyon para sa mga mamamahayag’ ang isa sa mga panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang mensahe para sa pagdiriwang ngayon ng World Press Freedom Day.

“The messenger itself, the press, must be protected from all forms of threat and intimidation so that they may fully serve the best interest of our people,” pahayag ng Pangulo.

“Let us continue to use the power of communication in nation-building and ensure the integrity and safety of the press,” dagdag pa nito.

Iginiit din ni Duterte ang ‘free and responsible press’ na may mahalagang gagampanan sa pagsulong ng lipunan.

“My warmest greetings to all journalists and media practitioners here in the Philippines and around the world as we celebrate World Press Freedom Day,” saad ng chief executive.

Nabatid, na bumaba sa 138th place mula sa 136th noong 2020 ang ranking ng Pilipinas sa World Press Freedom Index batay sa tala ng Reporters Without Borders ngayong taon.

(Via Remate)

Continue Reading