Best of Aklan
Aklanon artist, nanalo bilang 2nd place sa National Campus Press Olympian, Literary Graphics Illustration Competition
NASUNGKIT ng isang Aklanon Artist na si Rhuvic Marie A. Salvoza ang 2nd place sa National Press Olympiad, Literary Graphics Illustration Competition.
Tinatayang nasa 200 artists ang sumali sa kompetisyon na ginanap nitong Abril 20 – 26. Kinabibilangan ito ng mga elementary students maging mga professionals.
Aniya, hindi pa rin siya makapaniwala na nakuha niya ang 2nd place sa National competition.
Ang artwork ni Rhuvic na pinangalanang “PAG-UKIT ng Diyos sa Buhay” ay sariling interpretasyon niya mula sa Spoken Word Poetry ni Brian Vee na “TAKIPMATA”.
“It was based on my interpretation sa spoken word poetry na “takipmata”. That in all events in our lives we’ll always go back to God because He was the creator and the sculptor of it. Kung saan He made the flow and the initial plan of this life,” paliwanag ni Rhuvic.
Ang 16 year old artist ay grade 10 student ng section Newton ng Regional Science for Region 6.
Binigyang pagkilala din siya ng Sangguniang Panlalawigan nitong Lunes dahil sa kaniyang pagkapanalo at pagbibigay ng karangalan sa probinsiya ng Aklan.
Mababatid na nagsagawa rin ng arts exhibit si Rhuvic noong March 20 hanggang Abril 20 sa Mueso It Akean.