Aklan News
MAG-ASAWA NA PINANINIWALAANG NILOOBAN, NATAGPUANG PATAY

Malinao – Patay na nang matagpuan kaninang umaga ang mag-asawa na pinaniniwalaang nilooban sa Cabayugan, Malinao.
Nakilala ang mag-asawang biktima na sina Lucila Cabautan, 55 anyos at Jornas Cabautan, 64 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.
Ayon sa Malinao PNP, bandang alas 9:00 kaninang umaga nang ipagbigay-alam sa kanila na may masangsang na amoy na nagmumula sa bahay ng mag-asawa na apat na araw na palang hindi lumalabas.
Kaagad pinuntahan at inimbestigahan ng Malinao PNP ang insidente, subalit nabatid na sarado ang buong bahay kung kaya’t pinasinundo nila sa barangay kagawad ang kapatid ng biktimang babae sa Alaminos, Madalag.
Bandang alas 11:00 nang dumating ang kapatid bago naman dumating ang SOCO. Bago nito, sinubukan munang itulak ng kapatid ang mayor na pintuan at doon natuklasang hindi ito naka lock.
Bagama’t hindi umano nila agad pinasok ang bahay, sinabi naman ng Malinao PNP na nakita nila ang mag-asawang nakahandusay sa kusina at positibong nasa state of decomposition na.
Bamaga’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon, sinabi pa ng Malinao PNP na isa ang anggulong pagnanakaw sa tinitingnan nilang motibo sa krimen.
Tumanggi naman munang magbigay ng pahayag ang mga pulis kaugnay sa pagkakakilanlan ng suspek o mga suspek, habang hinihintay nila ang resulta ng imbestigasyon ng SOCO.
Samantala, nabatid mula sa ilang kamag-anak ng babaeng biktima na naglinis sa crime scene, na may 3 sugat sa katawan si Lucila habang may sugat naman sa ulo si Jornas na pinaniniwalaang dulot ng hinampas ng matigas na bagay