National News
PILIPINAS, MAGPAPATUPAD NG TRAVEL RESTRICTIONS SA SRI LANKA, BANGLADESH AT NEPAL
Magpapatupad ng travel restrictions ang Pilipinas sa mga lugar na malapit sa India katulad ng Pakistan, Bangladesh, Nepal, at Sri Lanka para maiwasan ang B.1.617 COVID-19 variant.
Batay sa rekomendasyon ng Department of Health at Department of Foreign Affairs, simula Mayo 7 hanggang Mayo 14, hindi papayagang makapasok sa Pilipinas ang mga biyahero mula sa mga nabanggit na lugar.
Ayon sa mga eksperto, ang B.1.617 COVID-19 variant ang rason kung bakit lumubo ang kaso ng COVID-19 sa India.
Batay sa tala, umabot na sa 20 million ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Tinawag naman ng World Health Organization na “variant of interest” at “double mutant” ang B.1.617.
Samantala maaaring makapasok naman sa bansa ang mga magbabiyahe bago ang Mayo 7, pero kailangan silang isasailalim sa 14-days facility-based quarantine at RT-PCR test.
Isasailalim naman sa whole genome sequencing ang mga may positibo na RT-PCR test result at isasailalim sa 14 days na facility-based quarantine ang mga naka-close contact.