Iloilo News
MGA MAY TRAVEL HISTORY SA LABAS NG ILOILO CITY, ISASAILALIM SA QUARANTINE AT RT-PCR TESTING KAPAG MAKITAAN NG SINTOMAS NG COVID-19

Isasailalim na sa strict isolation at RT-PCR testing ang mga residente na makikitaan ng sintomas ng COVID-19 na may travel history sa labas ng Iloilo batay sa inilabas na advisory ni Mayor Jerry Treñas.
Kailangang tumawag sa mga local health authorities, katulad ng District Medical Health officers, Barangay Health Response Team workers (BHERTs), Barangay Health Workers at sa staff ng Iloilo City Health Office para sa RT-PCR testing.
Nirekomenda din ng COVID-19 Team ang pag-iwas ng mga non-essential travels sa mga kalapit na probinsiya at lungsod sa Western Visayas.
Batay kasi sa tala City Epidemiological and Surveillance Unit, ang confirmed COVID-19 cases na kanilang na-trace sa mga residente ay ang mga may travel history sa kalapit na probinsya.
Samantala, inutusan din ang lahat na Department Heads, Employers ng nga opisina at establisyemento na ipatupad ang nasabing hakbang at mahigpit na i-monitor ang mga residente na makikitaan ng sintomas ng virus.