Connect with us

National News

27 KABAYO, PATAY SA VIRUS NA UMATAKE SA BAGUIO CITY

Published

on

Photo|Booking.com

Nasa 27 kabayo na ang namatay dahil sa virus na umatake sa Baguio City mula Marso hanggang Abril ng taong kasalukuyan.

Ayon sa veterinary office sa Baguio, nagpositibo ang 21 kabayo sa Equine Infectious Anemia (EIA) o swamp fever habang 4 naman ang may bacterial infections mula 58 kabayo sa Wright Park at Park John Hay na isinailalim sa test.

Dahil dito, kailangan na isalang sa euthanasia o isolation ang 21 kabayo.

Pahayag ni Dr Brigitte Piok, hindi curable o walang gamot ang nasabing impeksyon.

Ilan sa mga sintomas nito ay ang pangangayat at pagdurugo o pamamaga ng dibdib o paa ng kabayo.

“Hindi siya curable so kailangan talaga ang recommendation ng World Animal Health na i-isolate or mawala talaga yung kabayo or euthanized,” saad ni Piok.

Hindi rin ito nakakahawa sa mga tao pero isa ito sa mga notifiable disease na kabilang sa listahan ng World Health Organization na kailangan maireport sa mga otoridad.

May kaugnayan dito, naglabas si Mayor Benjamin Magalong ng Executive Order No. 56 para sa mandatory isolation ng lahat ng may sakit na kabayo sa lungsod.

Mayroong 250 na kabayo sa Wright Park ang ginagamit sa turismo at isa sa mga ikinukunsiderang pangunahing atraksyon sa lungsod.

Continue Reading