Connect with us

National News

DETENTION FACILITIES PARA SA MGA FACE MASK VIOLATORS, PINAPAHANDA NA SA MGA KAPULISAN — PNP CHIEF ELEAZAR

Published

on

Photo: Philippine Information Agency

INUTUSAN ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar ang kapulisan na ihanda na ang mga detention facilities para sa mga face mask violators.

Kasunod ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga indibidwal na wala at mali ang pagsuot ng face mask.

Ayon kay Eleazar, kailangan pa ring sundin ang physical distancing sa mga detention cell.

Pwedeng ma-detain ang mga violator sa loob ng 12 oras.

Sinabi din ni Eleazar na kailangan ding sundin ng mga pulis ang ‘maximum tolerance’ sa pag-aresto ng mga violators.

Dagdag naman ni Eleazar, kulang pa ang detention facilities sa bansa kaya’t dapat umano itong paghandaan.

Nabatid na nitong Mayo 5, iniutos si President Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga indibidwal na hindi wasto ang pagsuot ng face mask pampublikong lugar.

Continue Reading