Connect with us

Capiz News

Roxas City PNP muling nagbabala sa publiko kaugnay ng laganap na investment scheme

Published

on

Muling nagbabala ang Roxas City PNP sa publiko kaugnay ng laganap parin na operasyon ng ilang investment scheme sa lungsod ng Roxas City.

Ayon kay PLtCol. Ricardo Jumuad Jr., hepe ng Roxas City PNP, batay sa kanilang imbestigasyon, walang mga kaukulang lisensiya o permit mula sa Securities and Exchange Commission (SEC), Department of Trade and Industry (DTI) at licensing office ng syudad ang mga nasabing investment scheme.

Pinasiguro naman ni Jumuad na patuloy ang kanilang pagmamanman sa mga investment scheme na ito para masigurong walang nang mga taga-Capiz na mabiktima pa.

Nabatid na umiiral ngayon ang 28 days investment scheme. Mayroon din umanong 35 days investment shceme.

Matatandaan na daan-daang mga residente sa Roxas City at sa buong Capiz ang nabiktima ng “double-your-money” investment scheme ni Don Chiyuto at ni Madam O na hanggang ngayon ay hindi pa nababalik ang kanilang mga pera.

Nanawagan naman ang opisyal ng pulisya sa taumbayan na huwag nang mag-invest pa sa mga ito sapagkat ito ay mga iligal.

Continue Reading