Connect with us

History

TODAY IN HISTORY MAY 18, 1920: ARAW NG KAPAKANGANAKAN NG ITINUTURING NA PINAKABATANG NAGING SANTO PAPA

Published

on

May 18, 1920, nang ipinanganank si Karol Józef Wojtyła sa Poland.

Bago niya pasukin ang pagpapari, nag-aral muna siya ng philosophy and literature sa kolehiyo. Nang maganap ang WWII, at sakupin ng Nazis ang kanilang bayan, nagsara din ang pinapasukan niyang unibersidad. Dahil dito, napilitan siyang huminto sa pag-aaral at namasukan sa isang quarry, at nang lumaon ay sa isang chemical factory.

Puno ng trahedya ang buhay ni Wojtyła. Taong 1941, namatay ang kaniyang mga magulang at ang nag-iisang kapatid.

Nang sumunod na taon, pumasok siya sa seminaryo at naging ordained priest noong 1946. Taong 1958, sa edad na 38 taong gulang, ay itinalaga siya bilang auxiliary bishop, at naging cardinal siya noong 1967.

58 taong gulang lamang nang naging Santo Papa si Wojtyla at nakilala bilang si Pope John Paul II. Siya ang pumalit kay Pope John Paul I nang sumakabilang buhay ito at umabot lamang sa tatlumput apat na araw ang paglilingkod bilang Santo Papa.

Si Pope John Paul II ang ika 264th Pope, ang kauna-unahang Slavic Pope at pinakabatang napili para sa posisyong pinaglingkuran niya mula 1978 hannggang sa kaniyang kamatayan noong 2005.