Aklan News
MGA IKUKULONG SA AKLAN PROVINCIAL JAIL, DAPAT MAY NEGATIVE RT-PCR RESULT
Dapat may negative RT-PCR test result ang mga inmates o ikukulong sa Aklan Rehabilittion Center.
Ayon kay Provincial Jail Warden Pedrito Escarilla, isa ito sa mga requirement upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa loob ng kulungan.
May dalawang linggo na umano nila itong ipinapatupad matapos magpositibo sa nasabing sakit ang isang inmate subalit naka rekober na umano ito ngayon.
Samantala, sa panayam ng Radyo Todo kay Dr. Cornelio “Bong” Cuachon ng Aklan Provincial Health Office (PHO), ipinahayag nito na libre ang swab test sa sinumang inmate na isasailalim dito may Philhealth man o wala.
Continue Reading