Capiz News
3 KATAO HULI SA ILIGAL NA PANGINGISDA SA PANAY, CAPIZ

Hinuli ng kapulisan ang tatlong katao sa bayan ng Panay, Capiz matapos iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng nasabing bayan.
Kinilala ang mga nahuli na sina Ramon Tabal, 40-anyos, boat captain, Felix Castillo, 35, at Bonifacio Castro, 28, mga residente ng Brgy. Hintutulo, Masbate.
Ayon sa report ng Panay PNP nahuli ang tatlo na iligal na nangingisda sa pamamagitan ng “panggal” o cage crab na pag-aari ng nasabing kapitan ng bangka.
Nabatid na walang mayor’s permit ang mga ito kung saan ito ay paglabag sa Municipal Ordinance No. 03-02 series of 2003.
Kinumpiska ng kapulisan ang kanilang bangka kasama ang motor nito, 130 piraso ng panggal at 10 kilo ng “kasag”.
Ang mga nakumpiska ay itinurn-over ng kapulisan sa Municipal Environment and Natural Resources.