TODO Espesyal
BABY, BINENTA NG P200K ONLINE NG 20-ANYOS NA NANAY
Hinuli ng mga pulis ang isang ina sa Tagum, Davao City matapos nitong ibenta online ang kanyang anak sa halagang P200K.
Isang dummy account ang ginamit ng suspek sa pag-post ng ‘Baby For Sale” sa isang online barter/selling community.
Natunugan ng mga pulis nitong Martes nang magsumbong ang isang concerned citizen na nakabasa ng post.
Nagkunwaring buyer ang mga kawani ng Tagum police at ikinasa ang operasyon kung saan naaresto ang nanay ng 1 taong gulang palang na sanggol.
Ayon kay Police Maj. Anjanette Tirador, deputy chief ng Tagum City Police, na nanlaban pa ang suspek nang hulihin ng mga kapulisan.
Wala naman itong mabigat na dahilan para ibenta ang bata.
Nabatid na may dalawa pa itong anak na nasa pangangalaga ng kanyang mga magulang.
Nasa pangangalaga na ngayon ang ng local social worker ang bata.