Connect with us

International News

ISRAEL AT HAMAS MILITANTS NAG-CEASEFIRE MATAPOS ANG 11 ARAW NA KARAHASAN

Published

on

Photo|Unsplash

Nagkasundo na ang Israel at Islamist Hamas militants sa Palestine na mag-cease-fire pagkatapos ng 11 araw na girian na pumatay sa halos 230 Palestinians at 12 Israelis.

Inanunsyo ng opisina ng Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na inaprubahan ng Israeli security cabinet ang tigil-putukan.

Nag-ugat ang tensiyon sa pagitan ng dalawang panig noong May 10, nang magpaulan ng rockets ang Hamas militants sa Jerusalem.

Nagpakawala ng 4,000 rockets ang Hamas sa Israel sa loob ng ilang araw na labanan.

Dose-dosenang airstrikes na umabot ng halos 3,000 naman ang pinakawalan ng Israel sa mga imprastraktura ng Hamas military pati sa isang tunnel network.

Nasa 230 na mga Palestinians ang namatay kabilang ang 65 kabataan at 39 na mga kababaihan, nag-iwan din ito ng 1,710 na mga sugatan ayon sa Gaza Health Ministry.

Umabot naman sa 12 katao ang binawian ng buhay sa Israel, isa rito ang 5- anyos na batang lalaki at 16 anyos na dalagita.