Capiz News
LINEMAN NG CAPELCO PATAY MATAPOS MAKURYENTE SA BAYAN NG TAPAZ

Patay ang isang 27-anyos na lineman ng Capiz Electric Cooperative (Capelco) matapos makuryente sa Brgy. Malitbog, Tapaz, Capiz.
Kinilala ang biktima na si Regie Argoñosa, residente ng Brgy. San Antonio ng nasabing lugar.
Ayon sa report ng Tapaz PNP, nagtu-troubleshoot ang lineman sa poste na posible umanong nagalaw nito ang live wire rason ng kaniyang pagkakuryente.
Isinugod pa sa Tapaz District Hospital ang biktima pero hindi na ito umabot ng buhay.
Nabatid na brownout sa nasabing lugar nang maganap ang insidente.
Continue Reading