Aklan News
GOV. MIRAFLORES SA MGA AKLANON NA GUSTONG UMUWI: “HINTAY-HINTAY LANG MUNA”
“Aton lang gid nga hueat hueaton, madali lang gid man hay malisod pa ro classification para mabalik man naton sa normal ro travel from NCR+plus ag Aklan.”
Ito ang sagot ni Aklan Governor Florencio Miraflores hingil sa mga reklamo ng mga Aklanon na nais umuwi sa probinsya ngunit hirap makakuha ng QR code mula sa Aklan Province.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Miraflores sa programang Todo Latigo kaninang umaga, sinabi nito sa loob ng 24 oras ay nakapagbibigay na ang validating team ng QR code sa mga essential travelers na may kumpletong requirements.
Sa ngayon, essential travelers lamang ang binibigyan ng QR code at pinapayagan na makauwi sa probinsya.
Ang mga essential travelers ay ang mga opisyal ng gobyerno, Authorized Person Outside Residence (APOR), o may mga emergency cases.
Karamihan aniya sa nagrereklamo ay mga Aklanons na matagal na sa Manila na nagnanais makauwi ng probinsya, “Ro kaeabanan nga gusto magbuoe it QR code hay mga Akeanon nga gusto gid-a mag-uli.”
Batid ni Miraflores na hirap na ang ilang Aklanon sa Manila pero kinakailangan aniya muna nilang maghintay hanggang sa lumuwag na ang travel restrictions sa mga lugar sa NCR Plus bago sila mabigyan ng QR code.
“Ro policy naton karon hay until such time nga mabalik eang gid ro restriction sa Manila, indi gid anay kita makatao it QR code o entry.”