Connect with us

Aklan News

LALAWIGAN NG AKLAN, BIBILI NG 100K DOSES NG NOVAVAX VACCINE AT COLD STORAGE FACILITIES

Published

on

Gumagawa na ng hakbang ang gobyerno probinsyal para makabili ng sariling bakuna na pupuno sa kulang na suplay mula sa alokasyon ng DOH.

Sinabi ni Governor Miraflores ng Aklan sa panyam ng Radyo Todo na nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa isang manufacturer company para makabili ng 100, 000 dose ng Novavax Vaccine.

Inaasahan ni Miraflores na darating ang Novavax Vaccine sa ikatlo o huling kwarter ng taon kapag naaprubahan na ang aplikasyon nito para sa emergency use authorization (EUA) sa Pilipinas.

Novavax, Inc. ay isang American biotechnology na naka base sa Maryland na gumagawa ng bakunang NVX-CoV2373.

Ito ay sinasabing 86.3% na epektibo laban sa B117 variant o COVID-19 United Kingdom variant. 100% na epektibo rin ito sa pagpigil ng malubhang sintomas at pagkamatay sa COVID-19.

Bukod sa mga bakuna, bumili rin ang gobyerno probinsyal ng cold storage facility na paglalagyan ng mga parating na bakuna.