Connect with us

Aklan News

ILANG TURISTA MULA NCR PLUS, NAGSIDATINGAN NA SA BORACAY

Published

on

Nagsidatingan na sa isla ng Boracay ang ilang mga turista na galing sa NCR plus o National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Ito ang kinumpirma ni Mayor Frolibar Bautista ng Malay sa panayam ng Radyo Todo sa programang Todo Latigo.

Sinabi niya na lumapag na ang eroplano kahapon na may sakay na mga turista mula sa nabanggit na lugar.

“We live with COVID-19, “dapat lang ayon sa alkalde na ipagpatuloy ang pagsunod sa mga minimum health standards para makadepensa sa sakit.

Para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa kabila ng muling pagbukas ng isla sa mga turista ay sinisuguro naman ng validating team ng probinsya na hindi peke ang mga negative RT-PCR test result ng mga ito saad pa ni Bautista.

Nito lang Martes, inanunsyo ng Malay Tourism Office (MTO) sa Facebook na pwede nang makapunta mga residente mula sa NCR plus bubble mula June 1 hanggang 15, 2021.

Magtutuloy-tuloy naman ito kapag naging plain GCQ na ang NCR plus matapos ang June 15.