Connect with us

Aklan News

AKLAN PROVINCE, POSIBLENG MAGLABAS BUKAS NG BAGONG GUIDELINES PARA SA MGA AKLANON SA NCR PLUS

Published

on

Posibleng maglabas bukas o sa susunod na araw ang Aklan province ng bagong guidelines para sa mga Aklanon sa NCR Plus na gustong umuwi ng probinsya.

Batay ito sa Facebook post ni Kalibo Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Chief Terence Toriano.

“Please be patient as we await the release of the governor’s guidelines which could be tomorrow or the next day,” saad ni Toriano sa kanyang post para sa mga Kalibonhons na stranded sa NCR plus o National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Hinikayat niya ang mga uuwing Aklanons na magregister ng advance sa s-pass.ph para hindi na mahirapang kumuha ng travel coordination permit kapag lumabas na ang bagong guidelines mula sa opisina ng gobernador.

“We urge you to register in advance to the s-pass.ph so that it will be easy for you to apply for a travel coordination permit once the new local guidelines is released by the governor’s office.

“Registering is the preliminary action that you needed take if you are applying for a travel coordination permit. Once the guidelines is issued by the governor’s office, you will then log in to the account that you registered then click that button to apply for a travel coordination permit.”

Ipinaalala ni Toriano na huwag dapat kalimutan ang password ng s-pass account dahil hindi ito ‘one time deal’.

Ito ay isang national travel management system na kailangan gamitin sa tuwing aalis o papasok sa ibang rehiyon na parang isang interzonal passport.

“Your s-pass account is not a one time deal, do not forget your password. This is a national travel management system that we will be using whenever we leave or enter another region. Sort of an interzonal passport,” paliwanag nito.

Continue Reading