Aklan News
365 NEGOSYANTE SA KALIBO, TUMANGGAP NG LIVELIHOOD ASSISTANCE GRANT
Umabot sa kabuuang P3,375,000 ang halaga ng perang natanggap ng 365 na mga negosyante sa Kalibo mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kasama sa mga nabigyan ng Livelihood Assistance Grant ang 40 Youth Entrepreneurs na may tig P7,100 kada isa, 138 Sari-Sari Store Owners na may tig P9,200, 22 Kalibo Public Market Vendors at 25 street vendors na kapwa nakatanggap ng P11,300, 60 poultry, fruit, and vegetable vendors na may tig P9,500 at 80 iba pang MSMEs na nabigyan ng tig P9,000.
Kalakip sa pagtanggap ng livelihood grant ang pagbukas ng Individual Savings Passbook ng mga benepisyaryo para sa kanilang pagsali sa Savings Collection Scheme na ipinapatupad ng bayan ng Kalibo para matulungan ang sila na makaipon ng emergency fund.
Pinasalamatan ni Mayor Emerson Lachica ang Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Lolly Roxas Espino, John Marlou Salido na Livelihood Focal Person ng Kalibo, Glory Mae Panase na Project Development Officer ng DSWD Kalibo Field Office at ang mga representatives ng DSWD Region 6, PNP Kalibo, at MDRRMO sa pagsiguro na maayos ang aktibidad.
Bukod dito, nagpasalamat din ang alkalde sa Opportunity Kauswagan Bank, Inc. (OK Bank) sa pagbukas ng individual savings passbook ng 365 beneficiaries.
Ginanap ang aktibidad kahapon, June 3, sa covered court ng Kalibo Pilot Elementary School.