Connect with us

Aklan News

NAANTALANG INAGURASYON NG PINAGANDANG KALIBO INTERNATIONAL AIRPORT (KIA), TULOY KANINA SA PANGUNGUNA NG CAAP, DOTr

Published

on

Photo File/Malbert Dalida/Radyo Todo Aklan

Inagurahan na ngayong araw ang development projects sa Kalibo International Airport (KIA) sa pangunguna ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Captain Jim Sydiongco.

Kasama sa mga dinevelop ang International Terminal Building (ITB), re-blocking ng apron pavement, at rehabilitasyon ng domestic passenger terminal.

Naniniwala si Tugade na makakatulong ang hakbang na ito sa ekonomiya ng Aklan na umaasa sa turismo ng Boracay island.

Mula sa dating 1, 584 sqm, ngayon ay nasa 2,633.40 sqm na ang terminal building area.

Nilagyan ito ng mga pasilidad gaya ng 126-sqm na covered exterior para sa weather protection ng mga pasahero, dinagdagan pa ito ng espasyo para sa mga Customs, Immigration, at Pre-Screening personnel.

Ang mga check-in counter ay lumapad sa 468 sqm mula sa dating 216 sqm, ang dati naman na pre-departure wating area na 324-sqm ay dinagdagan ng 284.40 sqm.

Bukod pa rito, bagong pintura na ang mga pader, nag-install na rin ng mga carpet tiles at pinaganda pa ang mga banyo bilang kaparte ng rehabilitation works.

Sa pamamagitan nito, nabigyan din ng trabaho ang 236 na mga local construction workers dahil sa naturang proyekto.

“Habang nasa construction phase ang proyekto, umabot sa 236 na katao ang nabigyan ng trabaho, habang 316 naman ang kasalukuyan ay nagta-trabaho na sa paliparan,” pahayag ni Tugade.

Unang inanunsyo ng Transportation Department ang inagurasyon ng Kalibo International Airport (KIA) sa June 3 subalit naantala ito dahil sa bagyong Dante.