Aklan News
MGA TAGA-NCR, NANGUNA SA MGA BUMISITA SA ISLA NG BORACAY SA UNANG LINGGO NG HUNYO
Nanguna ang mga taga National Capital Region (NCR) sa mga bumisita sa Isla ng Boracay sa unang linggo nitong buwan ng Hunyo.
Sa kabuuang 2,185 domestic tourists na nagbakasyon sa Boracay mula June 1-5, 1,382 dito ang mula sa NCR. Sinusundan ng Aklan – 150, Rizal – 140, Cavite – 135 at Bulacan – 88.
Nasa edad 13-59 anyos naman na age group ang karamihan sa mga nagliwaliw sa Isla.
Nito lang Martes, inanunsyo ng Malay Tourism Office (MTO) sa Facebook na pwede nang makapunta mga residente mula sa NCR plus bubble mula June 1 hanggang 15, 2021.
Magtutuloy-tuloy naman ito kapag naging plain GCQ na ang NCR plus matapos ang June 15.
Maalala sa naging panayam kay Malay Mayor Frolibar Bautista, na dapat lang ipagpatuloy ang pagsunod sa mga minimum health standards para makadepensa sa sakit.
Dagdag pa nito na para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa kabila ng muling pagbukas ng isla sa mga turista ay sinisuguro naman ng validating team ng probinsya na hindi peke ang mga negative RT-PCR test result ng mga ito.