Connect with us

Aklan News

KASO NG COVID-19 SA AKLAN, PATULOY NA TUMATAAS

Published

on

63 ang naitalang panibagong kaso ng CoViD-19 sa probinsya ng Aklan ngayong araw.

Base ito sa ipinalabas na data ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ngayong gabi.

Nangunguna ang bayan ng Malay sa may pinakamaraming bagong kaso na 17, sinusundan ng Kalibo-13, tig-7 ang Nabas at New Washington, Buruanga-5, Batan-4, Ibajay-3, tig-2 ang Makato at Numancia at tig-1 ang Libacao, Malinao at Tangalan.

Nadagdagan naman ng 34 ang mga gumaling.

Sa kabuuan, may 2,709 confirmed cases na ng CoViD-19 ang probinsya, may 2,178 total recoveries at 467 pa ang active cases.

Samantala, nananatili sa 64 ang total deaths matapos na walang namang naitala ngayong araw.