Connect with us

Iloilo News

ILOILO CITY, MAG-AAPELA NA PALAWIGIN PA ANG MECQ SA LUNGSOD HANGGANG HUNYO 30

Published

on

Mag-aapela ang Iloilo City sa National Inter-Agency Task Force na palawigin pa ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang Hunyo 30 sa gitna ng patuloy na pagsipa ng COVID-19 cases sa lungsod.

Batay sa COVID-19 Team, mahigit 100 cases ang naitatala sa lungsod kada araw simula Mayo 26.

Nitong Hunyo 10 lamang ay nakapagtala naman ng 171 cases doon.

“Based on the recommendation of the COVID Team, we will request that the city remains under MECQ because of rising cases. We already requested additional vaccines to ramp up vaccination process of the residents,” saad ni Mayor Jerry Treñas.

Maalala na unang inihayag ng IATF na hanggang Hunyo 15 ang MECQ status sa Iloilo City.