National News
SUNOG SA CARGO SHIP, UMABOT SA IKA-5 ALARMA
Nilamon ng apoy ang isang maliit na cargo vessel, habang naka-daong sa ilalim ng Delpan Bridge, Muelle dela Industria sa lungsod ng Maynila, umaga ng June 12, 2021.
Ang cargo vessel na MV Titan 8 ay napag-alamang may kargang mga tangke ng LPG. Nasunog rin ang katabi nitong trak ng gasolina.
Tatlo ang naiulat na sugatan, 2 rito ay pahinante ng barko, at isa ay mula sa trak.
Umabot sa ika-limang alarma ang sunog at kinailangan na ring gumamit ng BFP ng chemical foam para apulahin ang apoy.
Idineklarang fire under control ang insidente, 1:54 ngayong hapon, habang patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog.
Continue Reading