Connect with us

Aklan News

KASO NG COVID-19 SA PROBINSYA NG AKLAN, PATULOY NA SUMISIRIT’, 35 PANIBAGONG KASO, NAITALA

Published

on

35 na panibagong kaso ng CoViD-19 ang inireport ng Aklan Provincial Epedimiology and Surveillance Unit (PESU) kahapon.

Dahil dito, sumampa na sa 3,176 ang kabuuang kaso sa probinsya.

Nanguna ang bayan ng Malay sa may pinakamaraming bagong kaso na umabot sa 20, Ibajay – 6, tig-2 ang Kalibo at Libacao habang tig-1 ang mga bayan ng Altavas, Banga, Batan, New Washington at Numancia.

Samantala, 72 naman ang nadagdag sa mga gumaling na may kabuuang 2,377 recoveries na ang probinsya, 725 active cases at 74 ang mga namatay.