Aklan News
PAGPAPATITULO NG LUPA SA BORACAY, PINAPAYAGAN NA NG DENR
Binawi na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang suspensiyon sa pagpapatitulo ng mga alienable at disposable public agricultural lands sa isla ng Boracay.
Nagbaba ng memorandum si DENR Secretary Roy A. Cimatu noong Hunyo 15, 2021 kung saan inaatasan niya ang tanggapan ng Regional Executive Director ng DENR-VI na ipanumbalik ang paggawad ng survey authority, pag-apruba sa mga survey plans, pagtanggap at pagproseso ng PLAs, at pagbibigay ng kaukulang patents sa mga alienable and disposable lands sa isla ng Boracay nang naaayon sa mga panuntunan, regulasyon, at umiiral na batas.
Pinapawalang-bisa ng nasabing memorandum na nilagdaan ng noo’y Environment Secretary Ramon Paje na nagsususpinde sa pag-aapruba ng survey plans, pagpu-proseso ng mga aplikasyon sa public land title at paggagawad ng mga patents.