Connect with us

Aklan News

MGA MYEMBRO NG RPA-ABB SA AKLAN, NAGSURENDER NG MGA ARMAS

Published

on

Ibajay, Aklan – SARI-SARING BARIL AT BALA ang isinurender ng 36 na myembro ng RPA-ABB sa 12th Infantry Batallion ng Philippine Army sa Aklan.

Ito ay ginanap sa Brgy Cabugao, Ibajay noong nakaraang Linggo ng umaga na sinaksihan ng ilang lokal na opisyal, ahensya ng gobyerno at pulis.

Ito ay bahagi ng patuloy na kampanya para sa kapayapaan ng pamahalaan na mas lalong pinaigting sa adminitrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matagal ng nagkaroon ng peace process ang RPA ABB o mas kilala ngayon sa tawag na Kapatiran para sa Progresong Panlipunanvat ang pamahalaan sa Aklan at armadong lakas ng Pilipinas.

Ayon kay LtC Sisenando Magbaloy Jr, ang mga ito ay isasailalim sa 45 araw na Basic Military Training (BMT) nagaganapin sa 3rd Infantry (SPEARHEAD) Division, Philippine Army sa Jamindan, Capiz.

Matapos nito ay idedeploy sila sa Community Defense Unit (CDU) ng kanilang komunidad sa ilalim ng superbisyon ng Philippine Army.

Sila ay tatanggapndin ng mga livelihood support program kagaya ngnagri-trading, vegetable at livestock production at community store.

Maliban dito ay magbibigay din ang DSWD ng technology transfer training, capability building, seminar sa business at financial management at technical sharing sessions on transition.

Ito ay para maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay lalong lalo na ang mga naninirahan sa mga malalayong lugar.